Linggo, Setyembre 19, 2021

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

 May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng kanyang ari arian.Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon. Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi. Siya ay kumita ng limanlibong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong salaping ginto. Samantala, ang tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat isa.

 Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”

Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”

 Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.”

 Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”

 Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at sinabing, “Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.”

 Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”

 

 

 

Hinding-hindi Ako Iibig Kailanman Isinalin ni NBCM

  Isang magaling na iskultor ng Cyprus si Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa kababaihan at naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hnding-hindi siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kanya ang kanyang sining. Magkagayunpaman, ang pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi niya maitatawag ang kinamumuhian ng kanyang isip nang gayon kadali sa kanyang buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang ipakita sa ibang kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.

 

  Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya ng hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya kuntento. Masinsin niya itong pinakinis, hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos, pinagmasdan niya ang napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o anuman likhang sining ang maihahambing ditto! Nang wala nang maiayos sa perpektong estatwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na sadyang hindi maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o mapagkakamalang yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing na natutulog na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-maghang gawa ng mapinong binate. Ang tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.

 

  Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit sa kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya na mapang-akit na mga labi ngunit walang katugon; hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na wala naming katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling malamig at walang tugon ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang naglalaro. Subukan niyang bihisan ng iba’t ibang naggagandahan roba at naiisip niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang regalo katulad ng paghahandog ng isang nanunuyong binate sa dalaga, mga ibon, iba’t ibang bulaklak at nakikini-kinita niya ang masayang mukhang tugon na may lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na kama at kinukumutan pa upang hindi ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makakapagpanggap nang matagal. Sa huli siya’y sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo – iginupo ng isang pag-ibig sa isang walang buhay.

 

  Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi nalingid sa diyosa ng pag-ibig na si Venus. Nasaksihan niya ang kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng natatanging mangingibig at siya’y desididong tulungan ang binatang lipos ng pag-ibig.

 

  Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga handog na makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay maaamoy mo sa saanmang dako. Sa karamihan ng mga naroon sa kanyang temple ay makikita si Pygmalion na nananalanging tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra ngunit talos na ng diyosa ang nasa puso ng binate. Bilang tanda na dininig niya ang panalangin ni Pygmalion, tatlong ulit niyang pinagningas ang apoy sa altar na mabilis bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y nasaksihan ng binate.

 

  Ang palatandaang iyon ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t nagmamadali siyang umuwi at hinanap ang nilikhang pinaghandugan ng kanyang puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang nakamamanghang kagandahan. Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si Pygmalion. Siya ba’y nililinlang ng kanyang damdamin? O lubos ngang nararamdaman niya ang init ng kanyang halos? Siniil niya ang labi ng kanyang obra nang buong pagsuyo at naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito. Hinawakan niya ang mga kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan nito’y nawala katulad ng pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap niya ang braso ng kanyang nilikha, may pulso ito at pumipintig! Naisip niya kaagad si Venus. Ginawa lahat ito ng diyosa ng pag-ibig! Hindi kayang mamutawi sa kanyang mga labi ang labis na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang minamahal. Makikita sa mga mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at namumulang mukha.

 

  Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging ang diyosa ng pag-ibig ay dumalo upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos, maliban sa pinangalanang Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag naman niyang Paphos, sunod sa pangalan ng lugar kung saan ipinanganak si Venus.

  

Mga Kayarian ng salita at halimbawa

Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal

na ibang salita

Halimbawa: anim, dilim, presyo, langis, tubig

Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

May limang paraan ng paglalapi ng salita

a. Inuunlapian- ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa: kasabay, paglikha, marami

b. Ginigitlapian- ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita

Halimbawa: sinabi, sumahod, tumugon

c. Hulapi- ang panlapi ay nasa hulihan ng salita

Halimbawa: unahan, sabihin, linisan

d. Kabilaan- ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salita

Halimbawa: pag-isipan, pag-usapan, kalipunan

e. Laguhan- ang panlapi ay nasa unahan, hulihan at sa loob ng salita

Halimbawa: pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

 

Inuulit- ang kabuoan, isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit

Dalawang Uri ng Pag-uulit

- Pag-uulit na Ganap- inuulit ang buong salitang-ugat

Halimbawa: araw-araw, sabi-sabi, sama-sama

-          Pag-uulit na Parsyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa: aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

 

Tambalan- binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

Dalawang Uri ng Pagtatambal

-  Malatambalan o Tambalang Parsyal- nananatili ang kahulugan ng dalawang

salitang pinagtambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan.

Halimbawa: bahay-kalakal, habing-lilok, balik-bayan

- Tambalang Ganap- nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugan ng

dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa: hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

 

(Isang buod ng Epiko ng mga Bagobo- Kinuha sa internethttp://www.thephilippineliterature.com/si-tuwaang-at-ang-dalaga-ng-buhong-na[1]langit/)

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.

Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng

nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang

mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani

sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag - usap sa

mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para

ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang.

Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi

nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot

ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang

kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

 Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad.

Sinamahan siya ng Binatang Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y

nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita

sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang

na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay

ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng

Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto

siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.

 Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang

dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan

ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos

magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon,

balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa Kaharian ni Batooy.

 Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang

mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga

sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang

bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas

ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang

ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata.

Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng

kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.

 Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panaginip na

darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na

sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila

sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang

Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon,

ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki,

at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang

mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman

siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.

 Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga

kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga

nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng

babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang

Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero

tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang

kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa

pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para

magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng

panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng

Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan,

samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang

ang natira. Nakipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na

lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

 Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at

nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa

mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan

nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binate at

pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata.

Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang,

sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.

 Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari

habambuhay.

Sabado, Setyembre 18, 2021

“Alamat ng Sampaguita”

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan. Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa  malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang  naging mga manliligaw. Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng pagkalapit nila. Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t isa sa maikling panahon ng pagkakilala.

Nang gumaling si Tanggol, ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga. Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si  Tanggol. Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap. Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito. Tinalo

ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay. Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Liwayway kay Tanggol. Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing pinakamamahal. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan. Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon, halaman na patuloy

na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang  ‘Sampaguita’.

Huwebes, Setyembre 16, 2021

Epiko

(I-click para sa bidyo)


     Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at  pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway nito. Ito ay karaniwang  nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalang pangyayari.

    Ang mga epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit (sa iba’t ibang mga estilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan nama’y  wala. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng epiko ay mula sa 1,000 hanggang 5,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.

    Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan, ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

 

 Narito ang ilan sa mga ito:

 

1. Bidasari - epiko ng mga MÑ‘ranao

2. Ibalon - epiko ng mga Bikolano

3. Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua

4. Tuwaang - epiko ng mga Bagobo

5. Parang Sabir - epiko ng mga Moro

6. Lagda - epiko ng mga Bisaya

7. Haraya - epiko ng mga Bisaya

8. Maragtas - epiko ng mga Bisaya

9. Kumintang - epiko ng mga Tagalog

10. Biag ni Lam- ang - epiko ng mga Iloko

11. Tulalang - epiko ng mga Manobo

12.Indarapatra at Sulayman – epiko ng mga Magindanaw 

Nainggit si Kikang Kalabaw

 Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay may isang masipagna magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang Donato ay tahimik na namumuhaykasama ang kanyang pamilya at dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso.Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni Mang Doanato sa bukid. Masipat ito sa pag-aararo at walaring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya naman mahal na mahal siya ngkanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa kanya siMang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag kainitanng araw upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya saisang kubong malapit sa bahay ng mag-anak.Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindimasaya si Kikang Kalabaw. Nakikita niya kasi kung panano tratuhin ni Mang Donato si BasyongAso. Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso kundi kumaholat kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwanamang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong ang as okayMang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang ikinatuwa ng amo.

“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili. “Nasa bahay lang

siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa

akin,” dagdag na himutok pa nito.Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong Aso. Paano ba naman kasi’y madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sapagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag- kawag ng buntot nito kapag ito’y tinatawag.

“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung gagayahin ko kaya ang

ginagawa ni Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba ako sa kanila? tanong nito sa sarili habangnalulumbay na napapahingang mga lamok na umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya samgatahimik na gabing katulad nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambotna higaan sa ibaba ng kami ni Mang Donato.Nakatulungan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob Medyo nababawasan langito kapag muli siyang papuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya tatapik-tapikin nitobago bigyan ng almusal niyang damo at tubig. Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ngparaan kung paano niya mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso.Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa posting nasabungad ng kanyang kubo. Tuwang- tuwa si Kika. “Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos pagsiga w na wika nito. “Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato.Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas mahalin pa ako ng amok ko,” ang tila tiyak na tiyak na wika pa nito.Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya  itong mag-isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan ng magsasakaat kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni Basyong Aso habang patalon-talon at patakbo-takbo. Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa kaya’t naglaglagan ang mga pagkain at nangabasag ang mga pinggan,baso, at iba pang bagay na Donato habang walang humpay niyaitong hinalik-halikan.

“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang

pumasok sa kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng isangkatiwala na tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na kubo.

“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang piñata si Mang Donato sa ginawa

mo! Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito! Ang galit na galit na sigawng katiwala habang pinapalo ang kalabaw dahil sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagigingmainggitin ay hindi nagbubunga ng mabuti.

 

Bakit Mataas ang Langit?

Noong unang panahon ay may mag-ina ang nakatira sa isang bahay-kubo. Ang anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

 

“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.

 

“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.

 

“Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.”

 

“Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.

 

“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda.

 

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.

 

“Napupuno ng pawis ang aking kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

 

“Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Habang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.

 

“Kay ganda ng aking suklay at kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili. “Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas.”

 

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni’t hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

 

Sa bawat pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawat pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

 

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

 

“Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili, “At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!”

Ang Kagandahan ng Bukidnon” ni Rose Rosary

 Bukidnon ay isang lalawigan na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Mindanao. Sa pagpunta sa lugar na ito, masasaksihan mo ang matatayog na bundok na siya ring pinagmulan ng pangalan nito. “Bukidnon” Bukid o bundok sa wikang Filipino. Maraming iba’t-ibang tanawin ang mapapasyalan mo sa Bukidnon. Bukod pa roon ay magagalak ka ng lubusan dahil sa kaaya-ayang resorts na matatagpuan dito at higit sa lahat ang maranasang magzipline na isa sa mga patok ma gawin sa lugar na ito. Sa paglalakbay pa lamang namin tungo sa malaparaisong lugar na ito, ay marami na kaming mga kaaya-ayang tanawin na nadadaanan. Mistulang mga higante ang mga punong iyong masasaksihan na pinamumugaran naman ng mga humuhuning ibon habang ikaw ay dumadaan patungo rito. Iyo ring malalanghap ang sariwang hangin na tunay na magpapagaan sa iyong damdamin at mistulang para kang dinuduyan. Bukod noon, matatanaw mo rin sa lugar na ito ang iba’t-ibang uri ng nagkukumpulang mga bulaklak na mistulang kinikiliti ang iyong ilong kspag ito ay iyong nalalanghap.. Tila mga brilyanteng kumikinang ang mga batong iyong matatagpuan dito na kung hindi mo susuriin ng mataman ay mapagkakamalan mo pang hiyas. Magkakaroon ka ng pagkakataon na tanawin ang mga ulap na kapag kunway mistula mo ng naaabot. Gayundin kapag gabi kung saan maaari mong mapagmasdan ng mapayapa ang mga libo-libong nagkikislapang bituwin na kay sarap talagang abutin. Hinggil naman sa mga pananim na iyong makikita bukod sa mga puno at bulaklak, masasaksihano rin ang malawak na taniman ng palay lalo ma ang tinatawag na dinurado o brown rice sa Ingles na makikita sa mga lugar dito lalo na sa Carmen, Bukidnon. Malalanghap mo ang mabangong amoy nito na nag iimbitang lutuin at kapagkunway paresan ng ulam habang kinakain ng mainit init pa. Meron pang iba’t-ibang klase ng pagkain na maari mong matitikman sa lalawigan lalo na sa Valencia. May isa kainan ka ritong matatagpuan na naghahanda ng iba’t-ibang putahe ng pagkain gaya na lang ng itlog ng ostrich na ginawang scramble, crocodile ice cream, at marami pang iba. Kung ikaw ay naninirahan sa siyudad ng Digos meron kang dalawang pagpipiliang ruta para makapunta patungo sa nasabin g lalawigan.

Maaari kang dumaan sa Hilagang Cotabato gayundin sa mga karatig na munisipalidad dito gaya ng Kidapawan, Kabacan at iba pa. hanggang ikaw ay tuluyang makarating sa lugar ng Carmen na isa sa mga nasasakupan ng Bukidnon. Ang biyahe gamit ang nasabing ruta na ito ay tatagal ng humigit-kumulang limang oras. Pwede ka ring dumaan sa Siyudad ng Davao kung iyong gugustuhin. Sa pagdaan mo sa rutang ito ay iyong mapagmamasdan ang isang malaking rebulto o estatwa ng agila na nagsisilbing trademark ng davao. Ito ang siyang magigung gabay upang malaman mo kung malapit kang lumabas sa Davao
Lingid sa atinf kaalaman, ang lalawigan ng Bukidnin ay hindi lang kilala dahil sa masasarap at kakaibang pagkain na matitikman dito at maging sa maaliwalas na panahon nito kundi dahil meron din itong ipinagmamalaking likas na yaman at isa na dito ay ang Lawa ng Pinamaloy na aming napasyalan. Ang Lawa ng Pinamaloy ay isang kaaya-ayang lawa na matatagpuan sa bayan ng Pinamaloy, Don Carlos, Bukidnon. Ito ay isang marikit na lawa na pinalilibutan ng nagagandahang bulaklak kagaya ng water lil
at nagsisilbing tirahan ng mga isda. Kumikinang na tila mga brilyante ang anyo ng naturang anyong tubig na ito kapag ito ay mataman na nasisikatan ng araw. Mararamdaman mo na mistula kang nalulunod at madadala ang bugso ng iyonf damdamin higgil sa napakaaliwalas at mapang-akit na tanawing ito at hindi mo mapipigilang kumuha ng mga larawan mula rito kung saan ang lawa ang nagsisilbing “background” ng litrato. Ang lawang ito ay hindi lamang kaaya sapagkat nakilala ito dahil sa malaking naitutulong niyo sa kanilang komunidad. Bagkus, ito ang pinagkukunan ng tubig na ginagamit ng mga tao sa iba’t-ibang pamamaraan sa kanilang mga bahay, gaya na lamang sa pag laba ng mga famit, pagdilig ng mga halaman ang maging inumin o sa pang-inom. Masisiguradong ligtas ito para inumin sapagkat ito ay idinadaan muna sa napakahabang proseso para masiguro ang tiyak na kaligtasan ng mga mamamayan na gumagamit nito

 

Napakasarap pagmassan ng lawa na perpektong hugis bilog. Nagpapasaya at nagpapawala talaga ng problema ang pagmamasid dito samahan mo pa ng pagkain na iba’t-ibang rekados gaya ng puto maya at malunggay ice cream na paborito kong kainin. Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang kakaibang pagkain nila dito na talagang naging dahilan upang makuha ang aking atensyon sa una ko pa lamang na tingin hanggang sa aking pagtikim. Kay sarap talagang magliwaliw dito lalo pa’t napakalinis ng kapaligiran kagaya na lang sa Don Carlos, Bukidnon. Napakaganda ng kanilang mga kalye sapagkat sobrang linis noon at wala ka pang mababakas na trapik dahil sa malapad na kalsada. Maari ka ring mamasyal sa establisyemento at makasaksi ng kakaibang mga sasakyan. Kakaiba sapagkat iyon ay mga traysikulo na nagmumukhang kotse sapagkat ang mga upuan ay nakarap lahat sa harapnan kung saan nakikita ang daanan.

 

Tila bahagharing kumikilos ang mga makukulay na paru-parong nagliliparan sa mga mga hardin kung saan mayroong mga nagagandahang mga bulaklak. Kapag gabi, mistulang mga bombilyang kumiskislap ang mga nagliliparang alitaptap na kumukuti-kutitap sa kailaliman ng gabi.

Miyerkules, Setyembre 8, 2021

"Ang Ama" (Kuwento, Singapore) (Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin