May isang taong
maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng
kanyang ari arian.Binigyan niya ng pera
ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay
binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto
naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.Pagkatapos nito ay
umalis na ang kanilang panginoon. Agad na kumilos ang
binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi. Siya ay
kumita ng limanlibong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng
ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong salaping
ginto. Samantala, ang
tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang
salaping ginto ng kanyang panginoon.Pagkaraan ng mahabang
panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat isa.
Lumapit ang unang
alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang salaping
ipinagkatiwa ninyo sa akin.”
Natuwa ang panginoon at
sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa
kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa
aking kagalakan!”
Sunod na lumapit ang
ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito po ang iniwan
ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang
libong salaping ginto na tinubo nito.”
Sumagot ang panginoon
at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting
halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking
kagalakan!”
Huling lumapit ang
ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at sinabing, “Alam ko pong
kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani
ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang
inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.”
Nagalit sa kanya ang
kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang
pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik,
bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano’y may
tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay
sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at
magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay
kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan!
Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento