Isang magaling na iskultor ng Cyprus si
Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa kababaihan at naniniwala siyang ang ugat
ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hnding-hindi
siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kanya ang kanyang sining.
Magkagayunpaman, ang pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi
niya maitatawag ang kinamumuhian ng kanyang isip nang gayon kadali sa kanyang
buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang ipakita sa ibang
kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.
Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa
paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya ng hindi matatawarang obra.
Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya kuntento. Masinsin niya
itong pinakinis, hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos,
pinagmasdan niya ang napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o
anuman likhang sining ang maihahambing ditto! Nang wala nang maiayos sa
perpektong estatwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na sadyang hindi
maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na
matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong
pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o mapagkakamalang
yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing na natutulog na
nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-maghang gawa ng mapinong binate. Ang
tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.
Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang
nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit sa kawalang pag-asa ng isang
umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya na mapang-akit na mga labi
ngunit walang katugon; hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na
wala naming katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling
malamig at walang tugon ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang
naglalaro. Subukan niyang bihisan ng iba’t ibang naggagandahan roba at naiisip
niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang regalo katulad ng
paghahandog ng isang nanunuyong binate sa dalaga, mga ibon, iba’t ibang
bulaklak at nakikini-kinita niya ang masayang mukhang tugon na may lakip na
pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na kama at kinukumutan pa upang hindi
ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa kanyang manika.
Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makakapagpanggap nang matagal. Sa huli
siya’y sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo – iginupo ng
isang pag-ibig sa isang walang buhay.
Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi
nalingid sa diyosa ng pag-ibig na si Venus. Nasaksihan niya ang
kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng natatanging mangingibig at siya’y
desididong tulungan ang binatang lipos ng pag-ibig.
Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung
saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga handog na makikinis at mapuputing sungay
ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay maaamoy mo sa saanmang
dako. Sa karamihan ng mga naroon sa kanyang temple ay makikita si Pygmalion na
nananalanging tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra
ngunit talos na ng diyosa ang nasa puso ng binate. Bilang tanda na dininig niya
ang panalangin ni Pygmalion, tatlong ulit niyang pinagningas ang apoy sa altar
na mabilis bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y nasaksihan ng binate.
Ang palatandaang iyon
ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t nagmamadali siyang umuwi at hinanap
ang nilikhang pinaghandugan ng kanyang puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang
nakamamanghang kagandahan. Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si
Pygmalion. Siya ba’y nililinlang ng kanyang damdamin? O lubos ngang
nararamdaman niya ang init ng kanyang halos? Siniil niya ang labi ng kanyang
obra nang buong pagsuyo at naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito.
Hinawakan niya ang mga kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan
nito’y nawala katulad ng pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap
niya ang braso ng kanyang nilikha, may pulso ito at pumipintig! Naisip niya
kaagad si Venus. Ginawa lahat ito ng diyosa ng pag-ibig! Hindi kayang mamutawi
sa kanyang mga labi ang labis na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang
minamahal. Makikita sa mga mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at
namumulang mukha.
Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging
ang diyosa ng pag-ibig ay dumalo upang masaksihan ang kanilang pag-iisang
dibdib. Walang makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos, maliban sa
pinangalanang Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag
naman niyang Paphos, sunod sa pangalan ng lugar kung saan ipinanganak si Venus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento