Miyerkules, Abril 7, 2021

Kontemporaryong Programang Panradyo(Radio Broadcasting)

         Kontemporaryong Programang Panradyo(Radio Broadcasting) 

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)


Ang radyo ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa liwanag. Ang radyo ay;

· Naghahatid ng musika

· Nagpapahatid ng panawagan

· Nagpapakinig ng mga awit

· Naghahatid ng napapanahong balita

· Nagbibigay ng opinyon kaugnay ng  

  isang paksa

 

Komentaryong Panradyo

      Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.

 Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:

a.    Politika

b.    Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar

c.    Mga pagdiriwang sa Pilipinas

d.    Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas

e.    Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

 Halimbawa:

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

 

Announcer:      Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang

                              mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel:                    Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky:                Magandang umaga partner!

Roel:                Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky:                Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh       

                              malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na  ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel:                    Sinabi mo pa, partner!

Macky:                Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel:                    Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan  ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky:                Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga

tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Roel:                    Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t

dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky:                Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang    

                             desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

 

Roel:                    Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa    

                              pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.

Macky:                Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative

                             LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang

                             tuluyan na itong maibabasura.

Roel:                    Naku! Naloko na!

 

Terminolohiya sa Programang Panradyo (Radio Broadcasting)

Airwaves- midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala rin sa tawag na spectrum.

AM- Nangangahulugang amplitude modulation; tumutukoy sa standard radio band.

Announcer- Ang taong naririnig sa radyo at responsableng magbasa ng iskrip o anunsyo.

Backtimming- Ito ang pagkalkula sa oras bago marinig ang isang kanta

Band- Ang lawak na naabot ng pagbbroadcast o ang haba ng waves ng iaang tunog

Billboards- Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid s amga tagapakinig kung anong produkto ang nagsponsor sa paghahatid ng balita.

Bumper- Ginagamit ito sa pagitan ng balita at ng patalastas.

Clutter- Lubhang maraming bilang ng palatastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong programa na sunod sunod na ipinatutugtog.

DJ o Disk Jockey -Isang dalubhasa na nagpaparami sa mga publikong gawaing musikal na naitala sa iba't ibang media. Maaaring i-play ang mga komposisyon ng musika nang walang mga pagbabago, o maaaring mabago gamit ang mga espesyal na panteknikal na pamamaraan.

Feedback- Isang nakaiiritang tunog na dulot ng ispiker at mikropono sa tuwing palalakasin ang tunog nito.

FM - Frequency Modulation: Ang isang broadcast na nag-iiba ang dalas ng wave ng carrier at nangangailangan ng isang FM receiver. Ang hanay ng frequency ng FM ay 88 hanggang 108 MHz.

Mixing- Ito ang pagtitimpla at pagtitiyak ng tamang balance ng tunog na ginagamit sa programa.

On Air- Ito ay tanda na nagsisismula na ang pagbobroadcast ng istasyon.

Open Mic- Nakabukas ang mis sa isang particular na oras.

Playlist- Talaan ng mga awiting patutugtugin sa isang istasyon sa loob ng isang araw o panahon.

PSA - Public Service Announcement: Ang isang ad na tumatakbo sa pampublikong interes sa halip na para sa isang komersyal na produkto o serbisyo.

Queue- Ito ang hanay ng mga patalastas.

Radio script- Ito ay naglalaman g mga salitang kilos sa kung ano ang gagawin, sasabihin at kailan ito gagawin sa siang programa.

Rating- Ito ang tantiya ng bilang ng tagapakinig ng isang programa. Nalaalman ito sa pamamagitan ng sarbey.

Spot: Isang komersyal sa isang programa.

Streaming- Ang paglilipat ng audio patungong digital at isasalin ito sa internet.

Station ID- Ito ang pagkakakilanlanan ng isang istasyon ng TV o radyo. Regular itong ginagamit o maririnig sa pagsisimula at pagtatapos ng programa.

Simulcast- Pagbobroadcast ng iisang programa s adalawa o higit pang istasyon.

Teaser- Ito ay ginagamit upang maistimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sila sa pakikinig sa istasyon.

Voiceovers- Nirecord na boses o live na pinagsasalita ang isang tao.

Ang salitang kontemporaryo ay tumutukoy sa ideya, paksa o pangyayaring umiiral o nagaganap sa kasalukuyang panahon tulad ng napapanahong balita. Ito ay sumasaklaw sa kahit na anong interes ng tao. Sa mga programang panradyo, kalimitang gumagamit ang may akda ng mga positibo at negatibong pahayag upang higit na mapalutang ang mensaheng nais ipabatid sa mga nakikinig.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin