MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
Halimbawa:
masakit, masarap, saksakan ng galing, taas
MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang-diin upang higit na maipahayag ang kaisipan ng pangungusap o akda. Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing
damdamin sa pamamagitan ng mga pang-uri.
Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin sa pamamagitan ng mga pang-uri.
1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri
Halimbawa:
masayang-masaya, makulit na makulit
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag- -an, pagka-, at kay-, pinaka, ka- -an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Halimbawa:
napakahusay, kaybilis, pinakamagaling
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari ng, sakdal, tunay, lubhang, at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Halimbawa:
saksakan ng bait, hari ng tapang, tunay na maligaya
Wow
TumugonBurahin