Biyernes, Abril 9, 2021

Etimolohiya

 

Etimolohiya

 (I-Click ang larawan para sa bidyong panturo.)

-Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Maaaring gamitin ito upang lubos na maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit ngayon. Hango ito sa salitang Griyego na "etymon," na ang ibig sabihin ay "tunay na kahulugan."

 Uri ng Pinagmulan ng Salita

 1. Pagsasama ng mga salita- Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita.

 Halimbawa:

teledyaryo- mula sa pinagsamang salita na telebisyon at dyaryo

talasanggunian- mula sa pinagsamang salita na tala at sanggunian

bahaghari- mula sa pinagsamang salita na bahag at hari

 

2. Hiram na salita -Ito ay mga banyagang salita o galing sa ibang wika at

kultura. Ngunit, inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan

ng pananalita.

 Halimbawa: Drayber- Driver (Ingles)

Asul – Azul (Kastila)

Halaga-Arghar (Sanskrito)

Agimat- azimah (Arabe)

 

3. Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na salita. Nag-ugatang salita mula sa iba pang salita na nagbago ang anyo.

 Halimbawa:

mawala- mawara (waray)

kumain-nakain (Tagalog-Batangas)

kumain- makaon (Aklan)

 

4. Onomatopoeia- Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog nito.

 Halimbawa:

twit, twit, twit — huni ng ibon

aw, aw, aw- (aso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin