Katotohanan
at Opinyon, Paghihinuha at Pagbibigay ng
Sariling Interpretasyon
Mga Ekspresyon sa
Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw
(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)
Maaring gamitan ng mga
sumusunod na salita ang katotohanan:
* batay sa, resulta ng
* mula sa, tinutukoy na/sa
* mababasa sa,
pinatutunayan ni
HALIMBAWA:
1. Ang Thailand ay nasa
Timog-Silangang Asya.
2. Ang pangulo ng
Pilipinay ay si Pres. Rodrigo R. Duterte.
3. Si Deogracias Rosario
ay ang Ama ng Maikling Kwento.
4. Ayon sa resulta ng
imbestigasyon, napatunayan na si Mario ay may sala.
5. Batay sa Deped,ang pag-aaral ay magpapatuloy parin sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.
OPINYON- Ito ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan.
Maaring gamitan ng mga sumusunod
na salita ang opinyon:
* sa pakiwari ko, kung ako
ang tatanungin,
* para sa akin, sa ganang
akin
* daw/raw, sa palagay ko
* sinabi, sang-ayon
1. Para sa akin, adobo ang
pinakamasarap na pagkain.
2. Maganda raw ang Bulkang
Mayon ayon kay Mila.
3. Kung ako ang
tatanungin, mas gusto ko ang kulay asul kaysa sa berde.
4. Sa aking palagay marami
ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
5. Sinabi ni Leona mainit sa Tagaytay ngayon.
PAGHIHINUHA:
Ito ay
isang hula o palagay na walang kasigarudahan at di-tiyak ang isang pangyayari.
Ito ay tinatawag na guess, infer o inference sa wikang Ingles. Ang paghihinuha ay isang
proseso kung saan naglalayong maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa tulong ng
mga pahiwatig o ng sariling kaalaman ang pangyayari.
Halimbawa:
Maaring manalo o matalo siya sa sinalihan niyang
patimpalak.
Kung hindi niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig
ay mauunahan siya ng iba.
SARILING INTERPRETASYON:
Ito ay tumutukoy sa kanyang sariling pagtingin,
opinyon o pananaw matapos niyang basahin, makita o masaksihan ang isang bagay o
pangyayari.
Halimbawa:
Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga
aksang pampanitikang nabasa tulad ng ;
-maikling kwento
-tula at
-sanaysay
Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw.
Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi
makabubuti kanino man ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago
o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad
ng naunang mga halimbawa na tumitiyak
kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Sa isang
banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan
ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala,
makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento