Positibo at Negatibong Pahayag
(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)
Ang positibong pahayag ay naglalaman ng mabuti at magandang pahayag hinggil sa isang paksa. Samantalang ang negatibong pahayag naman ay tumutukoy sa hindi kaaya-ayang hatid ng pahayag. Kadalasan natin itong mararanasan sa tuwing tayo ay manonood o makakapakinig ng balita sa radyo man o telebisyon.
Sa pamamagitan ng pakikinig marami tayong natututuhan at napag-aaralan. Naiintindihan din natin ang ating kapwa kung sila ay ating pinakikinggan, kung ano ano ang kanilang saloobin, ideya o impormasyon na gustong ipahiwatig o sabihin.
Ang panonood naman ay isang kasanayang
pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyong-sosyal na maaaring ilapat
sa anumang larangan. Sinasabing “Ang ating mata ay bintana ng ating kaluluwa.”
Mula sa nasasagap ng ating paningin, mga nakikita, tinitingnan at
napagmamasdan; sinasalamin ng ating mga mata ang bukal nating pagkatao at
kamalayan.
Dumating na sa bansa ang mga bakuna galling ibang bansa. Kaya’t ang mga ospital ay naghahanda sa pagbabakuna sa mga frotliners sa bansa.
Narito
ang ilan sa mga halimbawa ng negatibong pahayag;
May mga tao na ayaw magpabakuna dahil sa
pagkatakot sa magiging epekto nito sa kalusugan. Dapat mauna na muna ang
mayayaman na magpabakuna.
Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami na nang parami ang mga batang nabibiktima ng pag-aabuso." Anong ugnayang lohikal ang mayroon sa pangungusap? *
TumugonBurahin