Biyernes, Abril 9, 2021

TUNGGALIAN- SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO

 

MAIKLING KUWENTO O MAIKLING KATHA

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling katha - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

 

SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO- TUNGGALIAN

Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang tunggalian na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ito ang proseso na kung saan ay hinaharap ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinahaharap sa kwento.

 

APAT NA URI TUNGGALIAN

1. Tao laban sa Sarili -Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan.

Halimbawa:

Nais pumunta ni Mario patungong Bulacan ngunit hindi matuloy tuloy dahil wala siyang bagong damit.

Nagdadalawang isip ang kuya ko kung ipagtatapat na ba niya ang kanyang pag-ibig sa kayang kaklase.

 2. Tao laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba pang tauhan. 

Kinumpronta ni Jenny si Arlyn dahil sa paninira nito sa kanya.

Kanina pa nagtitiis ang driver sa pilosopo niyang pasahero.

 3. Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.

-Hindi makauwi si Arnie sa kanilang tahanan dahil baha sa kanilang lugar.

-Nahilo at nawalan ng malay si Garry dahil s amalakas na pagsabog ng bulkan.

 4. Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Hindi makapasok sa Mall si Mang Pedro dahil nakalimutan niya ang Quarantine Pass niya.

Hinuli ako kahapon sa labas ng palengke dahil sa mali ang papagparkingan ko.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin