Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal
na ibang salita
Halimbawa: anim, dilim,
presyo, langis, tubig
Maylapi-
binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
May limang paraan ng
paglalapi ng salita
a. Inuunlapian- ang
panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa: kasabay,
paglikha, marami
b. Ginigitlapian- ang
panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita
Halimbawa: sinabi,
sumahod, tumugon
c. Hulapi- ang panlapi
ay nasa hulihan ng salita
Halimbawa: unahan,
sabihin, linisan
d. Kabilaan- ang
panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa: pag-isipan,
pag-usapan, kalipunan
e. Laguhan- ang panlapi
ay nasa unahan, hulihan at sa loob ng salita
Halimbawa:
pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan
Inuulit- ang
kabuoan, isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit
Dalawang Uri ng
Pag-uulit
- Pag-uulit na Ganap-
inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa: araw-araw,
sabi-sabi, sama-sama
-
Pag-uulit na Parsyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang
inuulit
Halimbawa: aangat,
tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad
Tambalan-
binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.
Dalawang Uri ng
Pagtatambal
- Malatambalan o Tambalang Parsyal- nananatili ang
kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.
Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan.
Halimbawa:
bahay-kalakal, habing-lilok, balik-bayan
- Tambalang Ganap-
nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugan ng
dalawang salitang
pinagsama.
Halimbawa: hampaslupa,
kapitbahay, bahaghari
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento