Huwebes, Setyembre 16, 2021

Ang Kagandahan ng Bukidnon” ni Rose Rosary

 Bukidnon ay isang lalawigan na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Mindanao. Sa pagpunta sa lugar na ito, masasaksihan mo ang matatayog na bundok na siya ring pinagmulan ng pangalan nito. “Bukidnon” Bukid o bundok sa wikang Filipino. Maraming iba’t-ibang tanawin ang mapapasyalan mo sa Bukidnon. Bukod pa roon ay magagalak ka ng lubusan dahil sa kaaya-ayang resorts na matatagpuan dito at higit sa lahat ang maranasang magzipline na isa sa mga patok ma gawin sa lugar na ito. Sa paglalakbay pa lamang namin tungo sa malaparaisong lugar na ito, ay marami na kaming mga kaaya-ayang tanawin na nadadaanan. Mistulang mga higante ang mga punong iyong masasaksihan na pinamumugaran naman ng mga humuhuning ibon habang ikaw ay dumadaan patungo rito. Iyo ring malalanghap ang sariwang hangin na tunay na magpapagaan sa iyong damdamin at mistulang para kang dinuduyan. Bukod noon, matatanaw mo rin sa lugar na ito ang iba’t-ibang uri ng nagkukumpulang mga bulaklak na mistulang kinikiliti ang iyong ilong kspag ito ay iyong nalalanghap.. Tila mga brilyanteng kumikinang ang mga batong iyong matatagpuan dito na kung hindi mo susuriin ng mataman ay mapagkakamalan mo pang hiyas. Magkakaroon ka ng pagkakataon na tanawin ang mga ulap na kapag kunway mistula mo ng naaabot. Gayundin kapag gabi kung saan maaari mong mapagmasdan ng mapayapa ang mga libo-libong nagkikislapang bituwin na kay sarap talagang abutin. Hinggil naman sa mga pananim na iyong makikita bukod sa mga puno at bulaklak, masasaksihano rin ang malawak na taniman ng palay lalo ma ang tinatawag na dinurado o brown rice sa Ingles na makikita sa mga lugar dito lalo na sa Carmen, Bukidnon. Malalanghap mo ang mabangong amoy nito na nag iimbitang lutuin at kapagkunway paresan ng ulam habang kinakain ng mainit init pa. Meron pang iba’t-ibang klase ng pagkain na maari mong matitikman sa lalawigan lalo na sa Valencia. May isa kainan ka ritong matatagpuan na naghahanda ng iba’t-ibang putahe ng pagkain gaya na lang ng itlog ng ostrich na ginawang scramble, crocodile ice cream, at marami pang iba. Kung ikaw ay naninirahan sa siyudad ng Digos meron kang dalawang pagpipiliang ruta para makapunta patungo sa nasabin g lalawigan.

Maaari kang dumaan sa Hilagang Cotabato gayundin sa mga karatig na munisipalidad dito gaya ng Kidapawan, Kabacan at iba pa. hanggang ikaw ay tuluyang makarating sa lugar ng Carmen na isa sa mga nasasakupan ng Bukidnon. Ang biyahe gamit ang nasabing ruta na ito ay tatagal ng humigit-kumulang limang oras. Pwede ka ring dumaan sa Siyudad ng Davao kung iyong gugustuhin. Sa pagdaan mo sa rutang ito ay iyong mapagmamasdan ang isang malaking rebulto o estatwa ng agila na nagsisilbing trademark ng davao. Ito ang siyang magigung gabay upang malaman mo kung malapit kang lumabas sa Davao
Lingid sa atinf kaalaman, ang lalawigan ng Bukidnin ay hindi lang kilala dahil sa masasarap at kakaibang pagkain na matitikman dito at maging sa maaliwalas na panahon nito kundi dahil meron din itong ipinagmamalaking likas na yaman at isa na dito ay ang Lawa ng Pinamaloy na aming napasyalan. Ang Lawa ng Pinamaloy ay isang kaaya-ayang lawa na matatagpuan sa bayan ng Pinamaloy, Don Carlos, Bukidnon. Ito ay isang marikit na lawa na pinalilibutan ng nagagandahang bulaklak kagaya ng water lil
at nagsisilbing tirahan ng mga isda. Kumikinang na tila mga brilyante ang anyo ng naturang anyong tubig na ito kapag ito ay mataman na nasisikatan ng araw. Mararamdaman mo na mistula kang nalulunod at madadala ang bugso ng iyonf damdamin higgil sa napakaaliwalas at mapang-akit na tanawing ito at hindi mo mapipigilang kumuha ng mga larawan mula rito kung saan ang lawa ang nagsisilbing “background” ng litrato. Ang lawang ito ay hindi lamang kaaya sapagkat nakilala ito dahil sa malaking naitutulong niyo sa kanilang komunidad. Bagkus, ito ang pinagkukunan ng tubig na ginagamit ng mga tao sa iba’t-ibang pamamaraan sa kanilang mga bahay, gaya na lamang sa pag laba ng mga famit, pagdilig ng mga halaman ang maging inumin o sa pang-inom. Masisiguradong ligtas ito para inumin sapagkat ito ay idinadaan muna sa napakahabang proseso para masiguro ang tiyak na kaligtasan ng mga mamamayan na gumagamit nito

 

Napakasarap pagmassan ng lawa na perpektong hugis bilog. Nagpapasaya at nagpapawala talaga ng problema ang pagmamasid dito samahan mo pa ng pagkain na iba’t-ibang rekados gaya ng puto maya at malunggay ice cream na paborito kong kainin. Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang kakaibang pagkain nila dito na talagang naging dahilan upang makuha ang aking atensyon sa una ko pa lamang na tingin hanggang sa aking pagtikim. Kay sarap talagang magliwaliw dito lalo pa’t napakalinis ng kapaligiran kagaya na lang sa Don Carlos, Bukidnon. Napakaganda ng kanilang mga kalye sapagkat sobrang linis noon at wala ka pang mababakas na trapik dahil sa malapad na kalsada. Maari ka ring mamasyal sa establisyemento at makasaksi ng kakaibang mga sasakyan. Kakaiba sapagkat iyon ay mga traysikulo na nagmumukhang kotse sapagkat ang mga upuan ay nakarap lahat sa harapnan kung saan nakikita ang daanan.

 

Tila bahagharing kumikilos ang mga makukulay na paru-parong nagliliparan sa mga mga hardin kung saan mayroong mga nagagandahang mga bulaklak. Kapag gabi, mistulang mga bombilyang kumiskislap ang mga nagliliparang alitaptap na kumukuti-kutitap sa kailaliman ng gabi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin