(I-click para sa bidyo)
Ang epiko ay
isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban
sa mga kaaway nito. Ito ay karaniwang nagtataglay
ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalang pangyayari.
Ang mga epiko
ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit (sa iba’t ibang mga estilo);
maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan nama’y wala. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa
o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng epiko ay mula sa 1,000 hanggang
5,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras
o araw.
Karamihan sa
mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko. Mahalaga sa mga sinaunang
pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan, ito rin ay nagsisilbing
pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan, ang mga epiko ay
sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maikintal sa isipan
ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga
tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
Narito ang ilan sa mga ito:
1. Bidasari -
epiko ng mga Mёranao
2. Ibalon -
epiko ng mga Bikolano
3. Dagoy at
Sudsud - epiko ng mga Tagbanua
4. Tuwaang -
epiko ng mga Bagobo
5. Parang Sabir
- epiko ng mga Moro
6. Lagda -
epiko ng mga Bisaya
7. Haraya -
epiko ng mga Bisaya
8. Maragtas -
epiko ng mga Bisaya
9. Kumintang -
epiko ng mga Tagalog
10. Biag ni
Lam- ang - epiko ng mga Iloko
11. Tulalang -
epiko ng mga Manobo
12.Indarapatra
at Sulayman – epiko ng mga Magindanaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento