Biyernes, Abril 16, 2021

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

 

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)

      May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

      Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

     Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. 

(dahilan + pang-ugnay+resulta)

Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman natuto siya nang husto.

   (dahilan + pu + resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta)

Nag-aaral siyang Mabuti dahil dito/Bunga nito/Tuloy natuto siya nang husto.

(pu + dahilan + resulta; may hinto pagkatapos ng dahilan)

Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aral siyang mabuti , natuto siya nang husto.

(resulta + pu + dahilan)

Natuto siya nang husto sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti

      Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

 2. Paraan at Layunin

     Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

 

       (pu + layunin + paraan May hinto pagkatapos  ng Layunin)

Upang/Para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.        

        (paraan + pu + layunin)

Nag-aaral siyang Mabuti upang /para/nang sa ganoo’y  matuto nang husto.

    Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o   nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

      Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.

(paraan + resulta)

Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.

         (resulta + paraan)

Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

     Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

   Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon..

     (pu + kondisyon +   bunga)

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, sana’y natuto ka nang husto.

          (bunga + pu +  kondisyon)

Natuto ka sana nang husto kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

     (pu+ kondisyon + bunga)

Kapag/Sa sandaling/ basta’t nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto.

      (bunga + pu + kondisyon)

Matututo ka nang husto kapag/ sa sandaling/ bastat nag-aral kang mabuti.

    Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

 

Linggo, Abril 11, 2021

Mabangis na Lungsod

 

Mabangis na Lungsod

ni:  Efren R. Abueg

     Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siy a pang kinakaya-kaya. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't malil iit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw a y may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla la mang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong.

    Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gab i'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa na roroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nag tatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin n a ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan an g mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa is ang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa marurum ing palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay para ng mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa l oob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na wa ring higad na gumagapang sa kanyang katawan. "Mama... Ale, palimos na po."

    Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng m ga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmam adali ng pag-iwas. "Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalat a kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi ma iiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas. "May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanl ilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

     At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masak im na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka. "Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sand ali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakara ramdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinat utungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang n araramdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malami g, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapa wi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at ha nggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang ma rahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sap agkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na pala d na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay n i Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanya ng palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong l umalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malap ad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suo t na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga uga t. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman ni ya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niy ang sinabi sa matanda. "Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagta kbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At aka la niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.

     Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamag itan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagump ay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kaban gisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mg a barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. "Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig ni yang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang n iya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang s andali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

Ang Guryon

 

Ang Guryon

ni Ildefonso Santos

 

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at papel de Hapon;

magandang laruang pula, puti, asul,

na may pangalan mong sa gitna naroon.

 

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

ang solo’t paulo’y sukating magaling

nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

 

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas

at sa papawiri’y bayaang lumipad;

datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,

at baka lagutin ng hanging malakas.

 

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;

makipaglaban ka, subali’t tandaan

na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

 

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya’y mapatid;

kung saka-sakaling di na mapabalik,

maawaing kamay nawa ang magkamit!

 

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti’t dumagit, saanman sumuot…

O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,

bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

 

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

 

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)



        Ang telebisyon ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng mga gumagalaw na imahe na maaaring monochrome o colored, mayroon o walang tunog.

        Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng kasaysayan.

Katangian ng  Dokumentaryong  Pantelebisyon

Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.

Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang buwis buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.

Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa Dokyumentaryong Pampelikula.

Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

 

 

Biyernes, Abril 9, 2021

TUNGGALIAN- SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO

 

MAIKLING KUWENTO O MAIKLING KATHA

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling katha - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

 

SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO- TUNGGALIAN

Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang tunggalian na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ito ang proseso na kung saan ay hinaharap ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinahaharap sa kwento.

 

APAT NA URI TUNGGALIAN

1. Tao laban sa Sarili -Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan.

Halimbawa:

Nais pumunta ni Mario patungong Bulacan ngunit hindi matuloy tuloy dahil wala siyang bagong damit.

Nagdadalawang isip ang kuya ko kung ipagtatapat na ba niya ang kanyang pag-ibig sa kayang kaklase.

 2. Tao laban sa tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba pang tauhan. 

Kinumpronta ni Jenny si Arlyn dahil sa paninira nito sa kanya.

Kanina pa nagtitiis ang driver sa pilosopo niyang pasahero.

 3. Tao laban sa Kalikasan – Ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang biglaang pag lindol ng malakas, o pagbagyo na naglalagay sa mga tauhan sa panganib.

-Hindi makauwi si Arnie sa kanilang tahanan dahil baha sa kanilang lugar.

-Nahilo at nawalan ng malay si Garry dahil s amalakas na pagsabog ng bulkan.

 4. Tao laban sa Lipunan – Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Hindi makapasok sa Mall si Mang Pedro dahil nakalimutan niya ang Quarantine Pass niya.

Hinuli ako kahapon sa labas ng palengke dahil sa mali ang papagparkingan ko.

 

Etimolohiya

 

Etimolohiya

 (I-Click ang larawan para sa bidyong panturo.)

-Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Maaaring gamitin ito upang lubos na maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit ngayon. Hango ito sa salitang Griyego na "etymon," na ang ibig sabihin ay "tunay na kahulugan."

 Uri ng Pinagmulan ng Salita

 1. Pagsasama ng mga salita- Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita.

 Halimbawa:

teledyaryo- mula sa pinagsamang salita na telebisyon at dyaryo

talasanggunian- mula sa pinagsamang salita na tala at sanggunian

bahaghari- mula sa pinagsamang salita na bahag at hari

 

2. Hiram na salita -Ito ay mga banyagang salita o galing sa ibang wika at

kultura. Ngunit, inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan

ng pananalita.

 Halimbawa: Drayber- Driver (Ingles)

Asul – Azul (Kastila)

Halaga-Arghar (Sanskrito)

Agimat- azimah (Arabe)

 

3. Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na salita. Nag-ugatang salita mula sa iba pang salita na nagbago ang anyo.

 Halimbawa:

mawala- mawara (waray)

kumain-nakain (Tagalog-Batangas)

kumain- makaon (Aklan)

 

4. Onomatopoeia- Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog nito.

 Halimbawa:

twit, twit, twit — huni ng ibon

aw, aw, aw- (aso)

Katotohanan at Opinyon, Paghihinuha at Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw

 

Katotohanan at Opinyon, Paghihinuha at  Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon

Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)


KATOTOHANAN
-Ito ay ang mga pangyayaring umiiral o nangyari na may batayan at tiyak.

Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang katotohanan:

* batay sa, resulta ng

* mula sa, tinutukoy na/sa

* mababasa sa, pinatutunayan ni

 

HALIMBAWA:

1. Ang Thailand ay nasa Timog-Silangang Asya.

2. Ang pangulo ng Pilipinay ay si Pres. Rodrigo R. Duterte.

3. Si Deogracias Rosario ay ang Ama ng Maikling Kwento.

4. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Mario ay may sala.

5. Batay sa Deped,ang pag-aaral ay magpapatuloy parin sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.

OPINYON- Ito ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan.

Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon:

* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,

* para sa akin, sa ganang akin

* daw/raw, sa palagay ko

* sinabi, sang-ayon

 HALIMBAWA:

1. Para sa akin, adobo ang pinakamasarap na pagkain.

2. Maganda raw ang Bulkang Mayon ayon kay Mila.

3. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay asul kaysa sa berde.

4. Sa aking palagay marami ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

5. Sinabi ni  Leona mainit sa Tagaytay ngayon.

 

PAGHIHINUHA:

     Ito ay isang hula o palagay na walang kasigarudahan at di-tiyak ang isang pangyayari. Ito ay tinatawag na guess, infer o inference sa wikang Ingles. Ang paghihinuha ay isang proseso kung saan naglalayong maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig o ng sariling kaalaman ang pangyayari.

Halimbawa:

 

Maaring manalo o matalo siya sa sinalihan niyang patimpalak.

Kung hindi niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig ay mauunahan siya ng iba.

 

SARILING INTERPRETASYON:

Ito ay tumutukoy sa kanyang sariling pagtingin, opinyon o pananaw matapos niyang basahin, makita o masaksihan ang isang bagay o pangyayari.

 

Halimbawa:

 

Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga aksang pampanitikang nabasa tulad ng ;

-maikling kwento

-tula at

-sanaysay

 

Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw.

 

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

        Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

 

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

 

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng  naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

 

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

 

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Miyerkules, Abril 7, 2021

Katotohanan at Opinyon, Paghihinuha at Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw.

Katotohanan at Opinyon, Paghihinuha at  Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon 

Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw.

 


KATOTOHANAN -Ito ay ang mga pangyayaring umiiral o nangyari na may batayan at tiyak.

 Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang katotohanan:

* batay sa, resulta ng

* mula sa, tinutukoy na/sa

* mababasa sa, pinatutunayan ni

 HALIMBAWA:

1. Ang Thailand ay nasa Timog-Silangang Asya.

2. Ang pangulo ng Pilipinay ay si Pres. Rodrigo R. Duterte.

3. Si Deogracias Rosario ay ang Ama ng Maikling Kwento.

4. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Mario ay may sala.

5. Batay sa Deped,ang pag-aaral ay magpapatuloy parin sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa. .

 OPINYON- Ito ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang ng isa o ilang tao na hindi pa napapatunayan.

Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon:

* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,

* para sa akin, sa ganang akin

* daw/raw, sa palagay ko

* sinabi, sang-ayon

 HALIMBAWA:

1. Para sa akin, adobo ang pinakamasarap na pagkain.

2. Maganda raw ang Bulkang Mayon ayon kay Mila.

3. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay asul kaysa sa berde.

4. Sa aking palagay marami ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

5. Sinabi ni  Leona mainit sa Tagaytay ngayon.

 

PAGHIHINUHA:

     Ito ay isang hula o palagay na walang kasigarudahan at di-tiyak ang isang pangyayari. Ito ay tinatawag na guess, infer o inference sa wikang Ingles. Ang paghihinuha ay isang proseso kung saan naglalayong maipaliwanag o mabigyang-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig o ng sariling kaalaman ang pangyayari.

 

SARILING INTERPRETASYON:

Ito ay tumutukoy sa kanyang sariling pagtingin, opinyon o pananaw matapos niyang basahin, makita o masaksihan ang isang bagay o pangyayari.

 

Mga Ekspresyon sa Paghahayag ng Konsepto ng Pananaw.

 

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

        Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

 

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

 

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

 

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

 

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

 

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng  naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

 

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

 

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.


How to Covert Word docs in to Power Point Presentation (Quickest Way)

 How to Covert Word docs in to Power Point Presentation (Quickest Way)

Ang bidyo na ito ay tungkol sa kung papaano natin icoconvert sa pinakamabilis na pamamaraan ang ating word document file na maging isang power point presentation. Isa sa bagong feature ng Microsoft Office ay ang paggamit ng Artificial Intelligence na mas mapapadali ang ating paggawa o paglikha ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa pamamaraan ng power point presentation.

(I-click ang larawan para sa bidyo.)


Positibo at Negatibong Pahayag

 

Positibo at Negatibong Pahayag

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)


     Ang positibong pahayag ay naglalaman ng mabuti at magandang pahayag hinggil sa isang paksa. Samantalang ang negatibong pahayag naman ay tumutukoy sa hindi kaaya-ayang hatid ng pahayag. Kadalasan natin itong mararanasan sa tuwing tayo ay manonood o makakapakinig ng balita sa radyo man o telebisyon.

     Sa pamamagitan ng pakikinig marami tayong natututuhan at napag-aaralan. Naiintindihan din natin ang ating kapwa kung sila ay ating pinakikinggan, kung ano ano ang kanilang saloobin, ideya o impormasyon na gustong ipahiwatig o sabihin.

 Ang panonood naman ay isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyong-sosyal na maaaring ilapat sa anumang larangan. Sinasabing “Ang ating mata ay bintana ng ating kaluluwa.” Mula sa nasasagap ng ating paningin, mga nakikita, tinitingnan at napagmamasdan; sinasalamin ng ating mga mata ang bukal nating pagkatao at kamalayan.

 Narito ang ilan sa mga halimbawa ng positibong pahayag;

 Tama ka diyan! Tunay na makatutulong sa kalusugan ang bakuna.

Dumating na sa bansa ang mga bakuna galling ibang bansa. Kaya’t ang mga ospital ay naghahanda sa pagbabakuna sa mga frotliners sa bansa.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng negatibong pahayag;

 Naloko na, May mga nakaramdam ng hindi kaaya-aya matapos mabakunahan.

May mga tao na ayaw magpabakuna dahil sa pagkatakot sa magiging epekto nito sa kalusugan. Dapat mauna na muna ang mayayaman na magpabakuna.

MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

 MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN


I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)


Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

                masakit,  masarap, saksakan ng galing, taas


MGA PANG-URI SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

                Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang-diin upang higit na maipahayag ang kaisipan ng pangungusap o akda. Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing

damdamin sa pamamagitan ng mga pang-uri.

 

Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin sa pamamagitan ng mga pang-uri.

1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri

Halimbawa:

masayang-masaya,  makulit na makulit

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag- -an, pagka-, at kay-, pinaka, ka- -an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.

 

Halimbawa:

napakahusay, kaybilis, pinakamagaling

 

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari ng, sakdal, tunay, lubhang, at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri. 

Halimbawa:

saksakan ng bait, hari ng tapang, tunay na maligaya


Kontemporaryong Programang Panradyo(Radio Broadcasting)

         Kontemporaryong Programang Panradyo(Radio Broadcasting) 

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)


Ang radyo ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa liwanag. Ang radyo ay;

· Naghahatid ng musika

· Nagpapahatid ng panawagan

· Nagpapakinig ng mga awit

· Naghahatid ng napapanahong balita

· Nagbibigay ng opinyon kaugnay ng  

  isang paksa

 

Komentaryong Panradyo

      Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.

 Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:

a.    Politika

b.    Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar

c.    Mga pagdiriwang sa Pilipinas

d.    Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas

e.    Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

 Halimbawa:

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

 

Announcer:      Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang

                              mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel:                    Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky:                Magandang umaga partner!

Roel:                Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky:                Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh       

                              malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na  ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel:                    Sinabi mo pa, partner!

Macky:                Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel:                    Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan  ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky:                Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga

tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Roel:                    Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t

dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky:                Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang    

                             desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

 

Roel:                    Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa    

                              pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.

Macky:                Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative

                             LorenzoTaƱada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang

                             tuluyan na itong maibabasura.

Roel:                    Naku! Naloko na!

 

Terminolohiya sa Programang Panradyo (Radio Broadcasting)

Airwaves- midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala rin sa tawag na spectrum.

AM- Nangangahulugang amplitude modulation; tumutukoy sa standard radio band.

Announcer- Ang taong naririnig sa radyo at responsableng magbasa ng iskrip o anunsyo.

Backtimming- Ito ang pagkalkula sa oras bago marinig ang isang kanta

Band- Ang lawak na naabot ng pagbbroadcast o ang haba ng waves ng iaang tunog

Billboards- Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid s amga tagapakinig kung anong produkto ang nagsponsor sa paghahatid ng balita.

Bumper- Ginagamit ito sa pagitan ng balita at ng patalastas.

Clutter- Lubhang maraming bilang ng palatastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong programa na sunod sunod na ipinatutugtog.

DJ o Disk Jockey -Isang dalubhasa na nagpaparami sa mga publikong gawaing musikal na naitala sa iba't ibang media. Maaaring i-play ang mga komposisyon ng musika nang walang mga pagbabago, o maaaring mabago gamit ang mga espesyal na panteknikal na pamamaraan.

Feedback- Isang nakaiiritang tunog na dulot ng ispiker at mikropono sa tuwing palalakasin ang tunog nito.

FM - Frequency Modulation: Ang isang broadcast na nag-iiba ang dalas ng wave ng carrier at nangangailangan ng isang FM receiver. Ang hanay ng frequency ng FM ay 88 hanggang 108 MHz.

Mixing- Ito ang pagtitimpla at pagtitiyak ng tamang balance ng tunog na ginagamit sa programa.

On Air- Ito ay tanda na nagsisismula na ang pagbobroadcast ng istasyon.

Open Mic- Nakabukas ang mis sa isang particular na oras.

Playlist- Talaan ng mga awiting patutugtugin sa isang istasyon sa loob ng isang araw o panahon.

PSA - Public Service Announcement: Ang isang ad na tumatakbo sa pampublikong interes sa halip na para sa isang komersyal na produkto o serbisyo.

Queue- Ito ang hanay ng mga patalastas.

Radio script- Ito ay naglalaman g mga salitang kilos sa kung ano ang gagawin, sasabihin at kailan ito gagawin sa siang programa.

Rating- Ito ang tantiya ng bilang ng tagapakinig ng isang programa. Nalaalman ito sa pamamagitan ng sarbey.

Spot: Isang komersyal sa isang programa.

Streaming- Ang paglilipat ng audio patungong digital at isasalin ito sa internet.

Station ID- Ito ang pagkakakilanlanan ng isang istasyon ng TV o radyo. Regular itong ginagamit o maririnig sa pagsisimula at pagtatapos ng programa.

Simulcast- Pagbobroadcast ng iisang programa s adalawa o higit pang istasyon.

Teaser- Ito ay ginagamit upang maistimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sila sa pakikinig sa istasyon.

Voiceovers- Nirecord na boses o live na pinagsasalita ang isang tao.

Ang salitang kontemporaryo ay tumutukoy sa ideya, paksa o pangyayaring umiiral o nagaganap sa kasalukuyang panahon tulad ng napapanahong balita. Ito ay sumasaklaw sa kahit na anong interes ng tao. Sa mga programang panradyo, kalimitang gumagamit ang may akda ng mga positibo at negatibong pahayag upang higit na mapalutang ang mensaheng nais ipabatid sa mga nakikinig.

 

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin