Mabangis
na Lungsod
ni: Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at
mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siy a pang kinakaya-kaya. Ang gabi
ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't malil iit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw a y may
bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla la mang
ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga
gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang
gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga
ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na
si Adong.
Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo
ng pook na iyon. Kay Adong, ang gab i'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa
pagiging naroroon, kundi dahil sa na roroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang
na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi-
at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin
na ang nag tatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng
lupa, alisin n a ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw
at mabawasan an g mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay
na hinahanap sa is ang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni
Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa
mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala
naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga
taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa
marurum ing palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga
ilaw-dagitab ay para ng mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina
pa siyang tanghali sa l oob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang
kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at
sinasapian pa ng takot na wa ring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig
na parang bato, ang imbay ng m ga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang
hakbang ay napapahalaga ng pagmam adali ng pag-iwas. "Palimos na po,
ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan
ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
"Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas
naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon
ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalat a kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong
nagpapalimos. Alam niyang hindi ma iiwasan ang paghindi sa kanya ng limang
piso, sa lahat. Walang bawas. "May reklamo?" ang nakasisindak na
tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanl ilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya
sa pagbibigay.
At ang
mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masak im na
palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang
bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka. "Maawa na
po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang
halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y
naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang
kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sand ali,
narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na
tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakara
ramdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong.
Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong
papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si
Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinat utungkulan. Manapa'y para
sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong.
Nilagom ng kanyang bituka ang n araramdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na
kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay
waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang
nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malami g, walang awa, walang
pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban.
Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapa wi ang kanyang
gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at ha nggang sa
ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang ma rahas na
bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung
inilaglag, sap agkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa
marurusing na pala d na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis,
dali-daling inilagay n i Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang
barya ang nalaglag sa kanya ng palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na
napansing kakaunti na ang mga taong l umalabas mula sa simbahan, makita na
naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na
nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling
pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling
Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malap ad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit
ng suo t na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga
barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa
kanyang mga uga t. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy
na nararamdaman ni ya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang
palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng...
sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niy ang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni
Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa
paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng
simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na
mabagal sa pagta kbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa
paglalakad. At aka la niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting
iskinita.
Sumandal
siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamag itan ng
kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagump ay ng
isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng
paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kaban
gisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang
mg a barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si
Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig ni yang tumakbo.
Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay
parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni
Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na
lamang n iya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan
ng ilang s andali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang
biglang kumandong sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento