Linggo, Setyembre 19, 2021

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

 May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng kanyang ari arian.Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon. Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi. Siya ay kumita ng limanlibong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong salaping ginto. Samantala, ang tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat isa.

 Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.”

Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”

 Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.”

 Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”

 Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at sinabing, “Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.”

 Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”

 

 

 

Hinding-hindi Ako Iibig Kailanman Isinalin ni NBCM

  Isang magaling na iskultor ng Cyprus si Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa kababaihan at naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hnding-hindi siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kanya ang kanyang sining. Magkagayunpaman, ang pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi niya maitatawag ang kinamumuhian ng kanyang isip nang gayon kadali sa kanyang buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang ipakita sa ibang kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.

 

  Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya ng hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya kuntento. Masinsin niya itong pinakinis, hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos, pinagmasdan niya ang napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o anuman likhang sining ang maihahambing ditto! Nang wala nang maiayos sa perpektong estatwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na sadyang hindi maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o mapagkakamalang yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing na natutulog na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-maghang gawa ng mapinong binate. Ang tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.

 

  Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit sa kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya na mapang-akit na mga labi ngunit walang katugon; hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na wala naming katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling malamig at walang tugon ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang naglalaro. Subukan niyang bihisan ng iba’t ibang naggagandahan roba at naiisip niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang regalo katulad ng paghahandog ng isang nanunuyong binate sa dalaga, mga ibon, iba’t ibang bulaklak at nakikini-kinita niya ang masayang mukhang tugon na may lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na kama at kinukumutan pa upang hindi ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makakapagpanggap nang matagal. Sa huli siya’y sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo – iginupo ng isang pag-ibig sa isang walang buhay.

 

  Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi nalingid sa diyosa ng pag-ibig na si Venus. Nasaksihan niya ang kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng natatanging mangingibig at siya’y desididong tulungan ang binatang lipos ng pag-ibig.

 

  Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga handog na makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay maaamoy mo sa saanmang dako. Sa karamihan ng mga naroon sa kanyang temple ay makikita si Pygmalion na nananalanging tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra ngunit talos na ng diyosa ang nasa puso ng binate. Bilang tanda na dininig niya ang panalangin ni Pygmalion, tatlong ulit niyang pinagningas ang apoy sa altar na mabilis bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y nasaksihan ng binate.

 

  Ang palatandaang iyon ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t nagmamadali siyang umuwi at hinanap ang nilikhang pinaghandugan ng kanyang puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang nakamamanghang kagandahan. Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si Pygmalion. Siya ba’y nililinlang ng kanyang damdamin? O lubos ngang nararamdaman niya ang init ng kanyang halos? Siniil niya ang labi ng kanyang obra nang buong pagsuyo at naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito. Hinawakan niya ang mga kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan nito’y nawala katulad ng pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap niya ang braso ng kanyang nilikha, may pulso ito at pumipintig! Naisip niya kaagad si Venus. Ginawa lahat ito ng diyosa ng pag-ibig! Hindi kayang mamutawi sa kanyang mga labi ang labis na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang minamahal. Makikita sa mga mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at namumulang mukha.

 

  Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging ang diyosa ng pag-ibig ay dumalo upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos, maliban sa pinangalanang Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag naman niyang Paphos, sunod sa pangalan ng lugar kung saan ipinanganak si Venus.

  

Mga Kayarian ng salita at halimbawa

Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal

na ibang salita

Halimbawa: anim, dilim, presyo, langis, tubig

Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

May limang paraan ng paglalapi ng salita

a. Inuunlapian- ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa: kasabay, paglikha, marami

b. Ginigitlapian- ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita

Halimbawa: sinabi, sumahod, tumugon

c. Hulapi- ang panlapi ay nasa hulihan ng salita

Halimbawa: unahan, sabihin, linisan

d. Kabilaan- ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salita

Halimbawa: pag-isipan, pag-usapan, kalipunan

e. Laguhan- ang panlapi ay nasa unahan, hulihan at sa loob ng salita

Halimbawa: pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

 

Inuulit- ang kabuoan, isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit

Dalawang Uri ng Pag-uulit

- Pag-uulit na Ganap- inuulit ang buong salitang-ugat

Halimbawa: araw-araw, sabi-sabi, sama-sama

-          Pag-uulit na Parsyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

Halimbawa: aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

 

Tambalan- binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

Dalawang Uri ng Pagtatambal

-  Malatambalan o Tambalang Parsyal- nananatili ang kahulugan ng dalawang

salitang pinagtambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan.

Halimbawa: bahay-kalakal, habing-lilok, balik-bayan

- Tambalang Ganap- nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugan ng

dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa: hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

 

(Isang buod ng Epiko ng mga Bagobo- Kinuha sa internethttp://www.thephilippineliterature.com/si-tuwaang-at-ang-dalaga-ng-buhong-na[1]langit/)

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.

Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng

nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang

mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani

sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag - usap sa

mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para

ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang.

Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi

nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot

ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang

kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

 Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad.

Sinamahan siya ng Binatang Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y

nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita

sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang

na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay

ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng

Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto

siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.

 Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang

dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan

ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos

magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon,

balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa Kaharian ni Batooy.

 Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang

mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga

sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang

bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas

ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang

ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata.

Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng

kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.

 Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panaginip na

darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na

sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila

sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang

Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon,

ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki,

at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang

mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman

siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.

 Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga

kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga

nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng

babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang

Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero

tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang

kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa

pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para

magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng

panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng

Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan,

samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang

ang natira. Nakipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na

lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

 Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at

nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa

mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan

nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binate at

pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata.

Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang,

sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.

 Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari

habambuhay.

Sabado, Setyembre 18, 2021

“Alamat ng Sampaguita”

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan. Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa  malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang  naging mga manliligaw. Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng pagkalapit nila. Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t isa sa maikling panahon ng pagkakilala.

Nang gumaling si Tanggol, ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga. Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si  Tanggol. Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap. Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito. Tinalo

ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay. Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Liwayway kay Tanggol. Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing pinakamamahal. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan. Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon, halaman na patuloy

na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang  ‘Sampaguita’.

Huwebes, Setyembre 16, 2021

Epiko

(I-click para sa bidyo)


     Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at  pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway nito. Ito ay karaniwang  nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalang pangyayari.

    Ang mga epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit (sa iba’t ibang mga estilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan nama’y  wala. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng epiko ay mula sa 1,000 hanggang 5,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.

    Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan, ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

 

 Narito ang ilan sa mga ito:

 

1. Bidasari - epiko ng mga Mёranao

2. Ibalon - epiko ng mga Bikolano

3. Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua

4. Tuwaang - epiko ng mga Bagobo

5. Parang Sabir - epiko ng mga Moro

6. Lagda - epiko ng mga Bisaya

7. Haraya - epiko ng mga Bisaya

8. Maragtas - epiko ng mga Bisaya

9. Kumintang - epiko ng mga Tagalog

10. Biag ni Lam- ang - epiko ng mga Iloko

11. Tulalang - epiko ng mga Manobo

12.Indarapatra at Sulayman – epiko ng mga Magindanaw 

Nainggit si Kikang Kalabaw

 Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay may isang masipagna magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang Donato ay tahimik na namumuhaykasama ang kanyang pamilya at dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso.Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni Mang Doanato sa bukid. Masipat ito sa pag-aararo at walaring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya naman mahal na mahal siya ngkanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa kanya siMang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag kainitanng araw upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya saisang kubong malapit sa bahay ng mag-anak.Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindimasaya si Kikang Kalabaw. Nakikita niya kasi kung panano tratuhin ni Mang Donato si BasyongAso. Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso kundi kumaholat kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwanamang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong ang as okayMang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang ikinatuwa ng amo.

“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili. “Nasa bahay lang

siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa

akin,” dagdag na himutok pa nito.Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong Aso. Paano ba naman kasi’y madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sapagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag- kawag ng buntot nito kapag ito’y tinatawag.

“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung gagayahin ko kaya ang

ginagawa ni Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba ako sa kanila? tanong nito sa sarili habangnalulumbay na napapahingang mga lamok na umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya samgatahimik na gabing katulad nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambotna higaan sa ibaba ng kami ni Mang Donato.Nakatulungan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob Medyo nababawasan langito kapag muli siyang papuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya tatapik-tapikin nitobago bigyan ng almusal niyang damo at tubig. Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ngparaan kung paano niya mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso.Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa posting nasabungad ng kanyang kubo. Tuwang- tuwa si Kika. “Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos pagsiga w na wika nito. “Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato.Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas mahalin pa ako ng amok ko,” ang tila tiyak na tiyak na wika pa nito.Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya  itong mag-isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan ng magsasakaat kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni Basyong Aso habang patalon-talon at patakbo-takbo. Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa kaya’t naglaglagan ang mga pagkain at nangabasag ang mga pinggan,baso, at iba pang bagay na Donato habang walang humpay niyaitong hinalik-halikan.

“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang

pumasok sa kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng isangkatiwala na tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na kubo.

“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang piñata si Mang Donato sa ginawa

mo! Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito! Ang galit na galit na sigawng katiwala habang pinapalo ang kalabaw dahil sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagigingmainggitin ay hindi nagbubunga ng mabuti.

 

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin