Miyerkules, Setyembre 8, 2021

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

(I-Click ang larawan para sa bidyong panturo)

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay magiging katanggap-tanggap o kapani- paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginamit sa pagbibigay ng patunay:

·         May dokumentaryong ebidensiya- ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan o video.

·         Kapani- paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay at kalakip na ebidensiya ay kapani paniwala at maaring makapagpatunay.

·         Taglay ang matibay na kongklusyon- isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

·         Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

·         Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo.

·         Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

 Nagpapatunay/ katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin