Inakay na munting naliwanag sa gubat
Ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
Ang dating pugad ko’y noon napagmalas
Nang upuan ko na ang laman ay ahas
O!
ganito pala itong daigdigan,
Marami ang sama kaysa kabutihan
Kung hahanapin mo ang iyong kaaway;
Huwag kang lalayo’t katabi mo lamang,
Ako’y parang bato na ibinalibag
Ang buong akala’y sa langit aakyat;
Nang sa himpapawid ako’y mapataas
Ay bigat ko na rin ang siyang nagbagsak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
Sarili mong bigat ay paninimbigan;
Kung ika’y mabuti’y kinaiinggitan
Kung ika’y masama’y kinapopootan.
At gaya ng isdang Malaya sa turing
Ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
Subalit sa isang mumo lang ng kanin,
Ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain
At
sa pagkabigo’y nag-aral na akong
Mangilag sa mga patibong sa mundo;
Kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
Bangungot mo’ysiyang papatay sa iyo.
Ang
buhay ng tao ay parang kandila,
Habang umiikli’y nanatak ang luha;
Buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda
Ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog
Lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
Subalit kung hindi ka babago ng kilos
Sa hinukayan mo, doon mahuhulog.